The Dream Chaser

Pagtapos ng class ko nung elementary, pumupunta ako sa track oval to train. Tumatakbo akong nakapaa kasi wala akong sapatos. Merong nakakita sakin binigyan ako ng sapatos, kaya lang masikip siya. Ginawan ko ng paraan para magamit ko, ginupit ko yung dulo ng sapatos para magkasya. Ngayon, ako na yung nagbibigay ng sapatos. From no shoes, hanggang sa naging ambassador na ako ng isang brand ng sapatos. Recently, I donated more than 50 shoes sa mga bata sa Coronadal, Tacloban, and other schools. Hopefully, yung mga shoes na yun ang maging daan para maachieve nila ang dreams nila sa buhay. Isa kong dream na I still continue pursuing, is to produce an Olympian. Kung di ‘man anak ko, at least ibang tao.