Rosalyn Padicio

Ever since pangarap ko maging teacher. Idol ko kasi yung math teacher ko nung 2nd year, now I am a math teacher. I’ve been teaching for many years already.

One of my dreams is makapagtapos yung mga anak ko ng pag aaral. I have 3 kids plus one student na inampon ko, iniwan kasi siya ng parents niya. So para mapagpatuloy niya pagaaral niya, inampon ko siya.

I also want my parents to live their retirement na masaya, I want to help them financially. At the age of 76 and 80, they’re still working. Lahat kaming magkakapatid tinutulungan padin nila.

Yun lang yung dreams ko, kahit wala na sa sarili ko. Sabi ko nga anytime I can be gone, gusto ko lang matupad yung mga dreams ko para sa mga anak ko at sa pamilya ko.