Argie Ramos

“Bata palang ako, pangarap ko na maging sundalo. Actually, nagapply na po ako kaso di pa tinatanggap, di pa sinuswerte. Gusto ko talaga makatulong sa kapwa, masaya makatulong. Choice ko yun eh tsaka para na din matugunan yung mga pangangailangan ko at ng pamilya ko. Kumbaga, alam kong magiging maganda kinabukasan ko.

Tutol ang pamilya ko sa pagsusundalo ko dahil sa mga nababalitaan nila, mga namamatay. Bilang anak nila ko, nagaalala sila. Pero wala naman silang magagawa kung yun talaga ang gusto ko. Mahalaga ang buhay ko, siguro naman may responsibilidad ako sa mundong to.”