Gem Zapanta

“Nung time ko, ang kasagsagan ng course is Nursing. My parents were pushing me to take nursing. Ayoko. I like arts, pero sabi kasi nila walang pera sa arts. So I too something that would compromise. I took accountancy.

Naalala ko nung nagsisimula ako sabi ng mga kaibigan ko, ‘Mag-aaccountancy ka, eh maloko ka. Di mo kaya yan.’ Yung mga ganung sinasabi nila, mas lalo akong naddrive na ipursue to. Kaya sabi ko, ‘I’ll do it. Kahit mahirap, kahit may chance na mapatalsik ako sa eskwelhang to, I’ll do it. Kasi eto yung gusto ko.’ Nung lumabas ung results ng qualifying exams, isa ako sa apat na pumasa sa class namin.

Yung passion ko for the arts naman, na-pass down kay Pio.”