Justine Siasat

“Ang dream ko ngayon ay maging sikat na animator at motion graphic artist. Nagsimula yung dream ko na yun nung nag ojt ako sa isang company, nainspire ako sa works nung editor doon na motion graphic artist. Mahilig din kasi ako magdrawing tas i-ggraphics ko siya. After kong i-graphics parang nakukulangan ako, parang eto nalang ba? So pinapagalaw ko siya.

Madaming beses na ko nakarinig ng criticisms, artist kasi eh. Ang hirap kaya gumawa. Meron din akong uncle, sabi niya sakin ano naman daw mapapala ko sa multimedia arts. Di ako nagpaapekto. Tuloy lang, eto yung gusto ko eh.

Ngayon, nagwwork na ko bilang motion graphics artist sa isang tech company. Thankful ako kasi isa ako sa mga starters, ako lang kasi yung motion graphics artist don. Nakagawa na ko ng logos, explainer videos, games and apps.”