Juanito Desear

“Mahirap lang kami. May tatlo akong anak at hiwalay sa asawa. Nung nag-security guard ung mga kapatid ko, inaya na din nila ko magtrabaho don. Sekyu ako ngayon sa isang building sa Pasig. Kahit malayo byahe at maraming masusungit na customers, okay lang.

Simple lang ang pangarap ko. Makaahon ang pamilya namin sa kahirapan, makapagtapos ng pagaaral ang mga anak ko, at maging buo sana ang gaming pamilya.”