Jam Lasin

Dati gusto ko maging engineer, pero mahina ako sa math kaya wag nalang. Ngayon, gusto ko magbuo ng sarili kong banda at makapagproduce ng album. Passion ko yung music eh. Meron akong soundcloud at multiply, pinopost ko dun mga nagawa kong kanta. Sabi ng papa ko, gawin ko lang hobby ang pagbabanda. Mas maganda pa din daw talaga meron kang trabaho, meron kang pinagaralan. Naadik kasi ako sa pagbabanda dati nung highschool. Kaya nagaral ako ng Audio Visual Communication nung college, at nagttrabaho ako ngayon bilang videographer sa isang tech company. Di ko padin nakakalimutan yung pangarap at passion ko sa music, actually nagiipon ako ngayon ng pambili ng equipments na pwede gamitin pang record. Ginagawa ko naman lahat para matupad yung pangarap ko.