Irene Opeña

Noong bata pa ako, nangarap akong maging doktor. Naranasan ko na kasi na hindi intindihin ng ospital dahil walang pambayad, gusto kong tulungan sila pag naging doktor ako.
Nagtrabaho ako para makapagaral, pero mahirap talaga lalo’t marami kaming magkakapatid, so tinulungan ko muna sila. Nagtrabaho ako dito sa Manila.
Nakapagtapos na ako ng kapatid ko. Kahit ako di makapagtapos, at least yung kapatid ko nakapagtapos. Okay na. Happy na ‘ko.