Gelo Marasigan

“Ever since bata pa ko, mahilig na ko magbasa. Hanggang sa pagdating ko ng highschool naisip ko, ‘kung hilig ko naman ang pagbabasa, bakit di rin ako magsulat?’ Ang gusto ko talaga Creative Writing pero kasi ang iniisip ko, pag nag-Creative Writing ako di ko alam san ako magttrabaho. Tsaka diba, di naman lahat ng pangarap natin praktikal. Una, pinapag-communication arts nila ko pero gusto ko yung centered parin sa pagsusulat. Kaya ayan, nagjournalism ako.

Di ko pa natutupad yung pangarap ko na mag-Creative Writing, kasi wala pa kong nappublish na libro. Isa yun sa ultimate goal ko- kahit di ko alam kung matutupad pa ba. Gusto ko ma-share sa ibang tao yung experiences ko, gusto ko makarelate sila sa buhay ko. Tsaka parang ambag ko na din to sa mundo ng literature.

Sa ngayon, ang magagawa ko para matupad yung pangarap ko ay ipagpatuloy lang yung pagbabasa ko tsaka pagususlat. Dun ka naman mahahasa eh, di ka naman makakapagsulat ng maganda kung di mo ieexpose sarili mo sa ibang works. Ang ginagawa ko madalas nagsusulat ako sa kahit anong medium ang nasakin- phone, notebook, laptop, tas susulat ko mga nangyari sa araw ko.”