Eljie Estrosas

Gusto ko sana maging teacher, kaso parehas kami ng ate ko na nasa college noon. Hindi kaya na parehas kaming mapag-aral. Lalo na’t malaki ang gastusin para sa kurso niya, gusto niya kasing mag-nurse. Kasabay pa noon namatay ang aming nanay. Ang hirap ng sitwasiyon. Kaya two-year course nalang ang kinuha ko.