Cerilo Glaguna

“Ang pangarap ko ay gumaling na ang anak ko sa sakit niya na stage 4 liver and lung cancer. Pag magaling na siya, gusto kong makatapos siya sa gusto niyang kurso, makapagtrabaho ng maayos, magnegosyo. Sana mabigyang magandang kalusugan ang mga anak ko, kahit na maghirap ‘wag lang magkasakit.

Tinanong ko siya kung anong pangarap nya, bukod sa magkaroon ng barbie, pangarap niya din ang maging nurse para daw makatulong siya sa mga may sakit. Sinasabi ko sakanya lagi na magpagaling siya at magdasal sa Panginoon na pagalingin na siya. Diba anak, ‘no?”